Mas malaking opensiba, ikakasa ng MNLF vs ASG

mnlf

PANSAMANTALANG nahinto ang bakbakan sa kagubatan ng Patikul, Sulu dahil ang mga mandirigma ng Moro National Liberation Front (MNLF) ay naghahanda ng mas malaking opensiba laban sa Abu Sayyaf bandits, ayon sa pahayag kaninang umaga (Pebrero 5) ng isang senior official ng rebel group.

Sinabi ni Habib Mujahab Hashim, chairman ng MNLF’s Islamic Command Council (ICC) na ang Moro fighters sa ilalim ng liderato ni Ustadz Habier Malik ay nagbubuong muli sa kagubatan ng  Patikul, Sulu.

“There is no firing taking place, but hundreds of forces of Malik are regrouping…,” pahayag ni Hashim.

Nitong aniyang Martes lamang, may 16 mandirigma sa ilalim ni  Malik ang nakumpirmang patay na ang ilan pa sa kanilang ay pinugutan ng ulo.

Wala pang official figure ang kaswalidad sa panig naman ng Abu Sayyaf group sa pamumuno ni Radullan Sahiron, na pinaniniwalaang may hawak  sa Jordanian journalist na si Baker Abdulla Atyani.

Sa naunang ulat, sinasabing may 14 bandido ang napatay sa sagupaan na nagsimula nito lamang mga nakaraang araw.

Samantala, nangangamba si Hashim, na ang bakbakan ng dalawang grupo ay mas lalong titindi dahil sa kauna-unahang pagkakataon na ang MNLF fighters ay pinugutan ng kapwa  Muslim fighters.

Nakipagusap na siya sa mga senior MNLF leaders at sa Ulamas o sa matataas at respetadong  Muslim religious leaders para mahinto ang kaguluhan pero sinabihan siya na tanging si MNLF chairman Nur Misuari ang magbibigay go signal.

Nagbigay aniya si Misuari ng instraksyon para tugisin ang grupo ni Sahiron matapos tumanggi ang mga bandido na palayain si Atyani.

Pinalaya ng mga bandido ang crew members ni Atyani na sina cameraman Ramel Vela at audio technician Rolando Letriro, nito lamang nakaraang Sabando ng gabi sa kagubatan ng Patikul.

“I would call on brother Misuari to stop the operation. The only way out is to talk brother to brother,” dagdag pa ni Hashim.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply