MASARAP NA KASALANAN (Tatapusin)

Hindi lang panandalian, hindi lang upang mapunan ang seksuwal niyang pantasya sa katulong na labis na umakit sa kanya ang aking alindog at kariktan. Kung hindi upang makarelasyon ito sa buong buhay.

“Hindi.” Mabilis na tugon ni Mrs. Manyol. “Kaya tulad ng kanilang relasyon ni Helen, malaya na rin ang ating relasyon. Hindi na tayo mangagambang matuklasan ni Armando at maganap ang isang iskandalo!”

“Dahil tulad ko, binigyan na rin niya ako ng kalayaang maghanap ng bagong mamahalin at magmamahal. Wala siyang kamalay-malay na natagpuan ko na ang lalaking ‘yon sa iyong katauhan, Matias!”

“Pakaiingatan ko at pahahalagahan ang ating relasyon, Clarissa. Ipinangangako ko sa iyo, gagawin ko ang lahat upang maging karapat-dapat sa iyong pag-ibig at pagmamahal!” Sagot ni Matias.

Hindi na nagsalita si Mrs. Manyol sa halip, muling yumakap ng mahigpit sa karelasyong hardinero at siniil ng mainit at maalab na halik. Pilit namang kinalimutan ni Matias ang kalungkutang umalipin sa puso dahil sa tuluyang pagkawala ng dalagang katulong na lihim niyang ninanais makamtan ang angking alindog at kariktan.

Mahigpit din niyang niyakap ang karelasyong among babae at siniil ng mainit at maalab na halik. Matagal na naghinang ang kanilang mga labing uhaw sa makamundong pagnanasa. At matapos panandaliang maibsan ang kasabikan sa isa’t isa, magkahawak-kamay na naglakad na ang magkarelasyon patungo sa malaking bahay ng pamilya Manyol.

Magkasabay silang kumain ng walang anomang naramdamang pangamba dahil sa kanilang pinagsasaluhang MASARAP NA KASALANAN.

Sa halip, ang katulong na si Aling Bening ang labis na nagulat at namangha dahil ng magising, nagtungo sa kusina at nakita ang among babae at hardinerong magkasabay na kumakain. Tatapusin


Leave a Reply

*
AY ANG GALING MO NAMAN. PARANG IKAW ANG MAY ARI NG...
Karma yan kay angel... Alam pala ang ibig sabihin ...
nyaahahahah tulad nitong si 'kapay' nangopya lang...
nyahahah ay korek ka pero dapat mong pagtawanan n...
sa mga kapamilya KUPS ipag dasal ninyo ang matagum...
Wala naman kaming pakialam kung ginaya lang ang TL...
yuhooo mga kapamilya KUPS hahahah anyare na kay E...
nyahahaha tinipid nga eh hahahahah,,,,minadali pa...
nyahahahah Trending ang nagiisang produce ng katol...
ohhh may fucking abshit cibuyas hahahahah may nag...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.