Matapos batikusin si PNoy, pinuri naman ngayon

pnoyys

MATAPOS batikusin si Pangulong Aquino ng kaniyang kaalyado sa Kamara dahil sa kawalan ng “political will” na maisulong ang pagsasabatas ng Freedom of Information bill ay pinuri naman ang presidente dahil sa pagsesertipika bilang urgent sa isang mahalagang panukala.

Ikinatuwa ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang pagsesertipika si Pangulong Benigno Aquino bilang urgent sa panukalang batas na National Land Use Act.

Pangunahing layunin nito na matugunan ang pamamaraan para sa tuloy-tuloy na pagpapaunlad ng natural resources ng bansa partikular ang mga lupain.

Malaki ang paniwala ni Baguilat na ang sertipikasyon dito ng Pangulo ay magiging daan para maresolba ang nakakapaminsalang epekto ng kalamidad bunsod ng pang-aabuso, paghahati-hati at hindi tamang paggamit ng lupa.

Nakapaloob sa panukala na dapat maging angkop ang paggamit sa lupain na makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya na hindi nakokompromiso ang environmental integrity at stability.

Maging ang proteksiyon para sa kagubatan at watersheds ay binibigyang diin sa panukalang ito.

Sa ganitong paraan, ayon kay Baguilat, ay maigagalang ang ancestral domain at kikilalanin itong third domain para sa land use planning kasama ang private at public domains sa bansa.

Si Baguilat na miyembro ng Liberal party ay kabilang sa mga awtor ng FOI na naunang bumira sa pangulo dahil sa kawalan ng aksyon na maisulong ang FOI sa Kamara gayung matagal na itong pasado sa Senado.

Isa rin si Baguilat sa mga nananawagan kay Pangulong Aquino na sertipikahang urgent ang FOI bill upang lalong maging transparent ang gobyerno na siyang ipinangako ng pangulo sa mamamayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply