MAYOR LIM TAKOT KAY ERAP AT REP. ANNABELLE RAMA? YAKS

burdado-jun-briones2

KUNG umasta itong si Manila Mayor Alfredo Lim aakalain mong palaban talaga sa nalalapit nilang pagtutuos ni Erap sa pagka-alkalde ng Maynila sa Mayo.

Kaya naman atat na ang mga miron sa magiging resulta kung sino ba talaga kina “Dirty Harry at Asiong Salonga” ang mananalo.

Maging tayo, parekoy, ay excited na rin na malaman ang resulta kung dito na nga ba magtatapos ang political career ni Erap o tutuldukan na ni Erap ang pagiging “Dirty Harry” ni Mayor Lim.

Kaya lang nang isinampa na ang kaliwa’t kanang disqualification case laban kay Erap ay napagtanto ko na sa totoo lang, takot pala itong si Mayor Lim kay Erap!

In short, naramdaman ni meyor na ilalampaso siya. Kaya gustong mawalan ng kalaban sa pagka-meyor!

Huwag ka nang magpa-etsing pa, Mayor Lim, sa mga pahayag mong hindi ikaw ang tunay na utak ng nasabing mga kaso.

Huwag na ring pag-usapan na isa sa mga abogado mo ang nagsampa ng kaso, pag-usapan na lang natin kung sino ang makikinabang sakaling ma-disqualify nga si Erap.

‘Di ba ikaw dahil wala ka nang magiging kalaban? Sagot!

‘Yan, parekoy, si Mayor Lim, ang matapang daw at palaban! Pero takot namang lumaban! Hak, hak, hak! Sumuko ka na, meyor, hangga’t maaga pa!

Siyanga pala, meyor, kumusta na ang tikas mo at kampanya laban sa iligal na droga? May pa-spray spray ka pa noon sa mga bahay ng pusher at adik sa Maynila, ah!

Kumusta na rin pala ‘yung anak mong nahulihan ng mga iligal na droga? Ok na ba siya?

Bakit hindi mo nga pala inispreyan ang kanyang bahay?

The law must be applied to all . . . or none at all! He, he, he!

-o0o-

IPINAGMALAKI ni Annabelle Rama na malaki ang tsansa niyang manalo bilang kongresista ng Cebu ngayong Mayo.

“Alam mo, dong, pag nagsasalita ako ay tahimik silang lahat, pati mga aso, dong, hindi talaga nag-iingay, nakikinig talaga sila sa akin, dong.”

Mag-isip ka naman muna bago ka magsalita, Ma’am Annabelle.

Hindi mo ba alam na kaya tahimik pati mga aso kung nag-sasalita ka dahil nakikiramdam sila kung kauri ka ba o hindi? Akala marahil nila, sa tuwing magsasalita ka ay may magaganap na digmaang pandaigdig! Hak, hak, hak!

Sabagay karapatan mong kumandidato at karapatan din ng mga Cebuano kung anong klaseng kongresista ang gusto nilang maluklok sa pwesto.

Pero kapag iniisip kong may Rep. Annabelle Rama. . . Eww!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply