Mayor sa Ilocos Norte inambus, sugatan

SUGATAN si Marcos Mayor Salvador Pillos makaraang ambusin ng hindi nakilalang mga suspek sa Laoag City.

Kasalukuyang ginagamot sa hindi tinukoy na pagamutan ang biktima nang tamaan ng bala ng baril sa braso at hita.

Agad namang rumesponde ang Ilocos Norte PNP para tumulong sa paghabol sa dalawang suspek na agad tumakas papuntang bulubunduking bahagi ng Marcos Ilocos Norte.

Si Mayor Pillos ay tatakbo pa ring mayor ng Marcos para sa kanyang ikatlong termino.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply