M’cañang sa Rasuman victims: Huwag ilagay ang batas sa kamay

rasuman

UMAPELA ang Malakanyang sa mga nabiktima ng Rasuman pyramiding scam na huwag ilagay ang batas sa kanilang mga kamay.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na hayaan na ang mga ahensiya ng pamahalaan at korte na may kinalaman sa usaping ito ang magresolba ng kaso.

“We appeal to the victims not to take the law into their own hands. Kasi baka ang mangyari baka kayo pa ‘yung mapahamak sa inyong gagawin. Kayo na nga ‘yung nabiktima, kayo pa ‘yung magkakaroon ng asunto. Let us not take the law into our own hands,” ayon kay Usec. Valte.

Ang apela ng Malakanyang ay bunsod na rin ng pamamaril sa bahay ni Coco Rasuman kamakalawa ng gabi kung saan isang sundalo ang napatay.

Aniya, iniimbestigahan na ng PNP kung sino ang gumawa ng pamamaril at kung ito’y biktima ni Rasuman.

At sa halip aniya na makakuha ng katarungan ay  mga biktima pa ang maasunto kung madidisgrasya si Rasuman.

Wala namang matandaang bagong direktiba si Pangulong Benigno Aquino III sa PNP para tiyakin ang kaligtasan ni Rasuman.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply