Mega job fair handog ni Recom sa anibersaryo ng Caloocan

BILANG handog ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa mga residente ng lungsod sa pagseselebra ng ika-51 taong pagkakatatag ng siyudad ay maghahandog ang alkalde ng mega job fair na layuning mabigyan ng hanapbuhay ang mga walang trabaho.

Ayon kay Echiverri, sa darating na February 19 (Martes) ay magsasagawa ng mega job fair sa harapan ng city hall main na matatagpuan sa A. Mabini St. na sisimulan dakong alas 8:00 ng umaga at magtatapos bandang alas 4:00 ng hapon.

Sa darating namang February 27 (Miyerkules) ay magkakaroon din ng mega job fair sa city hall annex na matatagpuan sa Zapote Road, Camarin II na sisimulan at matatapos din sa parehas na oras.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Echiverri sa mga tumulong upang magkaroon ng kaganapan ang proyektong ito na kinabibilangan ng tanggapan ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri, Labor and Industrial Relations Office-Public Employment Services Office (LIRO-PESO), Department of Labor and Employment (DOLE-CAMANAVA) at Philippine Overseas Employment Agency (POEA).

Kabilang sa mga bakanteng posisyon na kakailanganin sa mega job fair ay ang accountant; secretary; sales clerk; welder; waiter/waitress; cook; janitor/janitress; engineer; encoder; bagger; machine operator; service crew; kitchen staff; call center agent; graphic artist; promodizer; automotive mechanic, stockman, factory worker, driver at domestic helper.

Hinikayat din ni Mayor Recom ang mga residenteng naghahanap ng mapapasukang trabaho na dumalo sa gaganaping mega job fair dahil sa pamamagitan nito ay hindi na kinakailangang magtungo ng mga aplikante sa malalayong lugar para lamang makakuha ng kanilang ikabubuhay.

Napag-alaman na ang gaganaping mega job fair ay handog ni Echiverri sa mga residente ng lungsod sa nalalapit na pagdiriwang ng pagkakatatag ng Caloocan City sa February 16 kung saan ay inaasahan ang maraming programa.

Bukod sa mega job fair, kabilang din sa mga nakalinyang programa ng lungsod sa anibersaryo ng Caloocan City ay ang motorcade, Kasalang Bayan, Bb. Caloocan at marami pang iba na inaasahang kinasasabikan ng mga residente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply