Menor na marijuana cultivator nalambat ng PDEA

PDEA

INARESTO ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang teenager na cultivator ng halamang marijuana sa inilunsad na marijuana eradication operation sa Benguet.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G Cacdac, Jr. ang 17 anyos na dalagita ay pansamantalang inilagay sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa Kibungan, Benguet.

Sa report, ang dalagita at kinakasama nito ay naaktuhan ng pinagsamang puwersa ng PDEA-Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) at Philippine Air Force (PAF), na inaayos ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops sa may Sitio Kalipayan, Barangay Badeo, Kibungan, Benguet nitong Enero 29, 2013.

Sa naturang operasyon nahuli ang dalagita habang nakatakas naman ang kinakasama nito.

Nasamsam ng mga awtoridad sa operasyo ang umaabot sa kabuuang 6.60 kilograms ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops; at 421.7 gramo ng marijuana seedlings na nakabalot ng plastic cellophanes at nasa loob ng isang sako.

Nakumpiska rin ng PDEA ang isang timbangan, packing tape, rolyo ng mga diyaryo at dalawang piraso ng kahoy na siyang mga ginagamit sa pagre-repack ng marijuana.

Nahaharap ang tinedyer sa kasong paglabag sa Section 8 (Manufacture of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 16 (Cultivation of Dangerous Drugs), Article II, of Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply