Mga OFW apektado sa paglago ng piso vs dolyar

dollars

NAKIKITA ng ilang eksperto na lalo pang magtuloy-tuloy ang paglakas ngpiso kontra dolyar na inaasahang papalo ito sa palitang P37: US$1 mula sa kasalukuyang P40.

Bagamat magandang balita ito, apektado naman ng lumalakas na piso ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil lumiliit ang nagiging halaga ng ipina­dadala nilang remittance sa kanilang pamilya sa bansa.

Kaya naman, inihirit nina House Assistant Majority Leader Magtanggol Gunigundo II at Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino na importanteng paghandaan ng gobyerno ang posibleng pagsisi-uwian ng mga OFWs para rito na lamang magtrabaho dahil lumiliit na ang halaga ng kanilang padala.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply