Mister huling nakikipag-sex sa iba, pinatay ni misis

crime5

DAHIL sa pambabae, pinatay ni missis ang kanyang asawa makaraang maaktuhang nakikipagtalik sa isang babae sa La Carlota City, Negros Occidental, ayon ulat ng pulisya ngayon.

Batay sa ulat ng pulisya, maituturing na isa na namang kaso ng crime of passion ang naganap na pananaksak ng ginang ang kanyang mister nang ma-caught in the act si mister habang nakikipagtalik sa kanyang kalaguyo

Ang biktima ay kinilala lamang pangalang Roberto Jr., 40, driver ng truck ng tubo, habang ang suspek naman ay si Marites ng Central Tabao bayan ng Valladolid.

Ayon sa imbestigasyon ng Carlota City PNP, matagal ng nagdududa ang misis na may kalaguyo ang mister kaya sinundan nito ang biktima ng nagpaalam ng pupunta sa trabaho.

Nagmanman si misis at nang makita ang kanyang asawa na pumasok truck na kasama ang babae palihim itong sumilip sa siwang at naaktuhan ng misis si mister na hubo’t hubad kasama ang pinaniniwalaang kalaguyo nito sa loob mismo ng truck na naka-park sa pinagtatrabahuang sugar central.

Posible, ayon sa pulis, na nagdilim ang paningin ng babae at pinagsasaksak nito ang mister ng maraming beses sa ibat ibang bahagi ng katawan na dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Dali-dali naman tumakas ang kalaguyo sa takot na siya ang isusunod ni misis habang matapos ang krimen ay kusang sumuko sa pulis si misis bitbit nito ang patalim na ginamit sa pagsaksak sa mister at nasa state of shock na naka-detain sa police station.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply