Mister tinarakan ng ka-live-in, tigok

bangkay

ISANG malalim na tarak sa lalamunan ang tumapos sa isang pedicab driver matapos saksakin ng kanyang kinakasama sa Barangay Tangos, Navotas City, kagabi (Enero 31).

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Roy Guillermo y Guiterez 33, pedicab driver at residente ng 229 J.B, Santos St. Tangos sanhi ng tinamong malalalim na saksak sa lalamunan. Kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang kinakasama ng biktima na si Heidi Grutas y Calderon, 33-anyos.

Base sa imbestigasyon ni P03 Edwin Guzman ng Stataion Investigation Division (SID) ng Navotas pulis, dakong alas-7:50 ng gabi ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa.

Bago ito, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan subalit nabitin sa inuman kaya humungi ng pera sa kanyang ka-live-in na walang maibigay na pera.

Sa gitna ng pagtatalo, tinangkang paluin ng bote ng biktima ang suspek kaya agad itong kumuha ng patalim at tinarakan sa lalamunan ang kinakasama na agad na nasawi.

Dinala ang biktima sa nasabing magamutan, habang sumuko ang suspek sa prsinto dala ang ginamit na kitchen knife.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply