Miyembro ng ‘bukas kotse’ utas sa shootout

crime3

RIZAL – Patay ang hinihinalang miyembro ng kilabot na “bukas kotse gang” matapos na manlaban sa mga umaarestong pulis sa bayan ng Cainta, kaninang hatinggabi.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:50 ng hatingggabi sa kahabaan ng Imelda Ave., (service road) cor. Kayumanggi St., Brgy. San Isidro, ng nasabing bayan.

Nabatid na nagsasagawa ng routine inspection ang grupo ni P/Sr. Insp. Christopher Cabugwang sa nasabing lugar nang mapansin ang lalaking may hawak ng martilyo at binasag ang salaming bintana ng isang kulay puting sasakyan na may plakang ZEU-717.

Agad na sinita ng grupo ni Sr. Insp. Cabugwang ang suspek nang biglang humarurot papatakas ang kasabwat nito sakay ng isang motorsiklo na walang plaka patungo sa gawi ng Marikina City.

Sinamantala rin ito ng suspek at nagtangkang tumakas kasabay ng pagbunot ng baril at pinaputukan ang grupo ng mga rumespondeng pulis hanggang sa magkaroon ng barilan.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 ng suspek at isang martilyo na ginamit sa pagbasag ng salamin ng nasabing sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply