Nabugbog na mga pulis sa rally, nagpasaklolo sa DOJ

kuyog-pulis

NAGPASAKLOLO sa Department of Justice ang mga pulis mula sa Quezon City District na nabugbog ng mga raliyista sa harap ng National Anti-Poverty Commission noong Enero 31.

Gayunman, matapos na makipagpulong ang mga pulis mula sa QCPD sa pangunguna ni Sr. Supt. Richard Albano kay Justice Secretary Leila de Lima ay pinayuhan ang mga ito na sa Quezon City Prosecutors Office na lamang ihain ang kanilang reklamo laban sa mga raliyista dahil doon naman nangyari ang insidente.

Pero bago nakaakyat sa tanggapan ni de Lima, natagalan bago makapasok sa DOJ compound ang grupo ni Col. Albano dahil hindi sila agad pinapasok ng mga gwardya sa kagawaran.

Ito ay dahil sa wala naman umanong appointment ang mga ito kay de Lima.

Kaugnay nito, inaasahang mamaya ay pormal nang magsasampa ang QCPD ng reklamo laban sa humigit kumulang isang daang myembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, at iba pang militanteng grupo na kasama sa umano’y rally na nagmistula nang riot dahil sa pagiging bayolente ng mga ito.

Matatandaan na ilang pulis din ang nabugbog ng mga raliyista sa nasabing kilos protesta.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply