Negosyante patay habang nakikipag-inuman

crime9

PATAY ang isang mangangalakal at sugatan naman ang kanyang kaibigan nang paulanan ng bala ng hindi nakilalang salarin habang masayang nag-iinuman kaninang madaling-araw sa Taguig City.

Dead on the spot si Eddie Boy Damayo, ng 144 Navy Road, Barangay South Signal Village sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang isinugod naman sa Jose Reyes Memorial Hospital sa Manila ang kanyang kasamang si  Jay Neri na tinamaan din ng bala sa kanyang katawan.

Ayon kay Taguig city police chief Senior Supt. Arthur Asis, naganap ang insidente ng pamamaril malapit sa maliit na sapa sa loob ng DOTC Compound sa Magsaysay Ext. Purok 2-A Barangay New Lower Bicutan dakong ala-1:30 ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang dalawa sa naturang lugar nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaslang at kung sino ang may kagagawan ng krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply