P18-M farm to market roads, itatayo sa Ilocos Norte

road

PORMAL ng inaprubahan ng gobyerno ang pagpapagawa ng may P18 milyong halaga ng kalsada sa Damilian agrarian reform community (ARC) sa San Nicolas, Ilocos Norte .

Ang nasabing proyekto ay ipatutupad sa ilalim ng Agrarian Reform Infrastructure Support Project phase-III (ARISP-III), kasama rito ang P10.8-million San Agustin-San Lorenzo-Bingao farm-to-market road at ang P7.2-million San Lorenzo East-West Communal irrigation system (CIS).

Sa isang turn over ceremony na pinangunahan ni Agrarian Reform Secretary Gil delos Reyes, ang pasinaya sa 8 kilometrong haba ng farm to market roads na mag-uugnay sa apat na sumasakop na barangay sa East –West CIS na kinabibilangan ng San Marcos, San Lorenzo, San Agustin at San Guillermo upang mas mapadali ang paghahatid ng kanilang mga kalakal sa mga kabayanan.

Umaasa ang gobyerno na malaki ang maitututlong sa mga magsasaka ng magagawang bagong kalsada na maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka at ekonomiya ng mga komunidad sa lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply