P3-M ransom para sa kalayaan ni Atyani; 5 pang dayuhan, bihag ng ASG

atyani1

ANIM na dayuhan kabilang ang Jordanian journalist na si Baker Atyani ang bihag pa rin hanggang ngayon ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).

Bagama’t hindi pa masabi ni Philippine National Police-Anti Kindnapping Group (PNP-AKG) Director Renato Gumban kung nasaan sa Sulu ang Jordanian journalist na si Baker Atyani, inihayag kanina (Pebrero 5) nitong huling nakausap ng ASG ang mga kaanak ng dayuhan sa Dubai nitong Enero upang makipagnegosasyon sa posibleng ransom payment.

Disyembre, aniya, nang mamonitor ng PNP na nakakausap ni Atyani ang pamilya nito sa Dubai at P3 milyon ang hinihingi para sa kalayaan nito.

Bukod naman kay Atyani, may lima pang dayuhan ang bihag ng ASG kabilang ang dalawang bird watcher na dinukot sa Tawi-Tawi, isang Australian na dinukot sa Zamboanga at dalawang Malaysian national.

Isa namang Japanese treasure hunter na kinilalang si Mamaamer Mamaito ang ayaw nang umalis sa poder ng ASG dahil nabatid na maraming kasong kinakaharap sa kanyang bansa at sa Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply