PADER NG NORTH CEMETERY DAANAN NG MGA KRIMINAL

lily's-files-lily-reyes

ISA sa itinuturong dahilan kung bakit  maraming kaso ng  panghohold-up at snatching sa Blumentritt, Maynila ay ang butas na pader ng Manila North Cemetery.

Sinasabing isang malaking butas umano sa pader ng  sementeryo ang ginagawang daanan ng mga suspek  kung kaya  naililigaw nila ang mga pulis.

Ang isang  holdaper o snatcher,  kapag nakapasok sa loob ng nasabing sementeryo ay daraan ito sa butas na pader palabas ng Tagaytay St., Brgy. 130, Caloocan City.

Ayon sa ilang caretaker, ang  may-ari umano ng eskinitang tinatawiran ng mga kriminal ay pag-aari ng mga pamilya Fernandez at Tinumpit .

Hindi lang pala sa labas ng sementeryo nangyayari ang mga holdapan at snatching kundi maging sa loob mismo ng Manila North Cemetery kung saan ay madalas na mabiktima ang mga dumadalaw.

Alam umano ng management ng MNC ang mga pangyayari sa loob ng sementeryo ngunit walang aksyon ang mga ito at nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan lang itong si MNC Administrator Ed Norriega.

Manila Mayor Alfredo Lim, nakikiusap ang mga nabiktima ng  mga kawatang ito na kung puwedeng maipasara ang nasabing butas ng pader at higpitan ang pagpasok ng mga outsider sa loob ng  sementeryo.

Napag-alaman na tinakpan na ang ibang butas na daanan ng mga kriminal ngunit itong pinakamalaking butas na daanan patungong  Caloocan City ay nananatili pa ring nakatiwangwang.

Bukod pala sa taguan ng mga kriminal ang MNC at daanan ng mga holdaper at snatcher, marami rin palang iligal dito sa loob katulad ng droga, tubig, kuryente at iba pa.

Sinasabi pa ring halo-halo na ang mga taong nasa loob ng sementeryo kaya hindi na alam ng namamahala rito kung sino-sino  ang  mga nakatira at kung sino-sino ang mga nagtatagong kriminal.

Sabagay, sa ngayon ay mahihirapan itong si Manila Mayor Alfredo Lim na paalisin ang mga nakatira  sa loob ng MNC dahil malapit na ang election at kailangang kailangan niya ang mga taong ito.

Mayor Lim, sana po ay maaksyunan ng inyong tanggapan ang problemang ito ng mga dumadalaw ng kanilang mga mahal sa buhay na namayapa at nakalibing na sa MNC.

oOo

Bukas po ang Lily’s Files Co-lumn natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa 09155683000  at 09087230036 o kaya ay mag email lamang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply