Pagbasura sa kasong kriminal vs ex-PGMA, maaari pa iapela

gma7

MAAARI pang iapela ang ginawang pagbasura ng piskalya sa Lungsod ng Maynila sa kasong kriminal laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo na may kinalaman sa karumal-dumal na Maguindanao Massacre.

Sa resolusyon ni Senior Assistant City Prosecutor Raymunda Cruz-Apolo, wala umanong ebidensyang nai-prisinta na magpapatunay na dapat panagutin ang dating pangulo, bilang dating commander-in-chief ng AFP, sa kasong criminal negligence sa naganap na masaker.

Ayon kay Manila Chief Prosecutor Edward Togonon, maAari pang maghain ang mga complainant ng motion for reconsideration sa loob ng 15 araw para hilingin na mabaligtad ang naunang desisyon ng piskalya.

Maari din umanong dumulog ang complainant sa Department of Justice para maghain ng petition for review.

Ang nasabing reklamo ay inihain ng isang kumakandito sa lokal na pwesto sa ARMM dahil sa umano’y kabiguan ng dating pangulo na gawin ang kanyang tungkulin bilang presidente at commander in chief ng AFP para pigilan ang naganap na pagpatay sa 58 katao sa Maguindanao nuong 2009.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply