Paggamit ng cellphone sa election, hiniling ng PPCRV na ipagbawal

henrietta-de-villa

IREREKOMENDA ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sa Commission on Elections na ipagbawal ang paggamit ng mga cellphone sa loob ng mga polling precinct sa araw ng election sa Mayo 2013.

Sinabi ni PPCRV chairman Henrieta De Villa na sa sa sandaling makapasok na sa loob ng presinto ang botante ay kailangang sarado na ang kanyang cellphone.

Naniniwala ang dating ambassador na nagagamit ng mga botante sa vote-buying at pagbebenta ng boto ang mga cellphone.

Kukunan, aniya, ng litrato ng mga botante ang mga sinulat na pangalan sa balota at ito ang kanilang ipakikita sa mga kandidato bilang patunay na sila ay ibinoto.

Kung hindi man, aniya, iteteks naman ng kandidato ang mga pangalan ng mga ibobotong indibidwal.

Samantala, matapos ang nationwide mock elections, sinabi ni De Villa na hindi pa masasabi na magiging matagumpay ang halalan sa Mayo hanggang hindi naiwawasto ang ilang minor glitches o  munting aberya ng mga PCOS machine na gagamitin sa eleksiyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply