Pagsusuri ng COA sa gastusin ng Senado, sinisimulan na

gracia-pulido-tan

ISINASAGAWA na ng Commission on Audit (COA) ang regular audit sa maintenance and other operating expenses (MOOE) ng Kongreso particular ng Senado matapos ang pagsabog ng kontrobersiya kaugnay sa nasabing isyu.

Binigyang diin ni COA Chairperson Ma. Gracia Pulido-Tan na ito ay taunang regular audit kasabay ang kumpirmasyon na ang MOOE ng kongreso ay nasusuring mabuti ng komisyon.

“No, Not special audit. Isang regular audit ito. Kasi taon-taon naman ino-audit natin ang Senado, year in, year out. Kaya may team na nasa Senado na nag-oopisina. Ang 2012 ang ino-audit dahil kasasara pa lang ng 2012. Yong mga transactions na napunta sa limelight ay puro 2012 din yon,” paliwanag ni Tan.

Bagama’t aminado si Tan na matatagalan bago matapos ang audit dahil bubusisiin ang mga isinuming dokumento ng senado gayundin ang gastusin ng bawat kagawaran at sangay ng gobyerno.

Pinabulaanan din ni Tan ang mga naunang balita kaugnay sa diumano’y paglilinis niya sa pangalan ni Senate President Juan Ponce-Enrile.

“Linawin natin yan, hindi ko sinabi na walang iligal na nabigyan ang ibang senador pero hindi sa iba. Ang sinabi ko lang sa mga dating interview, walang iligal o naayon sa batas ang pag-exercise ng Senate President ng power to realign or augment. May kapangyarihan na magdagdag opo, nasa saligang batas at nasa general appropriation din. Pero wala kaming binanggit tungkol sa pagbibigay sa iba, sa iba wala.”

Sa ngayon, aniya, ay wala pa sa komisyon ang transaksyon ng Senado nitong nagdaang Disyembre kung saan umangal ang ilang senador dahil sa umano’y hindi pantay na pagbibigay ng pondo.

“We go by dates. Pero inuumpisahan na ang pagtingin sa mga dokumento at ang pagsusuri ng mga dokumentong ito. It’s not for us to say na tama na binigyan ang iba at yong iba ay hindi,” ayon kay Tan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply