Pahinante nadaganan ng yelo, patay

crime

NASAWI ang isang pahinante makaraang aksidenteng madaganan ng isang bloke ng yelo habang nagdedeliver sa Susano market sa Novaliches, Quezon City kagabi Pebrero 3, 2013.

Namatay noon din sa lugar ng insidente ang biktima na kinilalang si Ildefonso Guduena, 46, pahinante ng ice delivery at residente sa Phase 3, Area H , Sapang Palay, Bulacan bunga ng pagkabagok ng kanyang ulo sa kongkretong semento.

Ayon sa isinumiteng ulat ni PO3 Rey Anin ng Quezon City Police District Station 4, Novaliches tinatayang naganap ang insidente mga bandang alas 10:30 kagabi sa harapan ng Susano market sa Ramirez St., Brgy. Nova Proper, Novaliches, Qc .

Kuwento ng kasamahan ng biktima ibinababa nila noon ang ilang bloke ng yelo sa truck ng aksidenteng mahulog ang isang bloke at nadaganan umano ang biktima.Dahil sa bigat ng bloke ng yelo ay tumama umano ang ulo ng biktima sa kongkretong kalsada na ikinaputok ng kanyang noo.

Patuloy pa ring sinisiyasat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at nasabing himpilan ng pulisya ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply