Pamilya inatake ng mga bubuyog, ama patay

crimedeath

TODAS ang isa habang dalawa ang kasalukuyang nasa ospital makaraang atakehin ng mga bubuyog ang kanilang bahay sa Davao City.

Nabatid sa biktimang si Jemar Barro, 24-anyos, nawasak ang bahay ng pukyutan (honey bee) makaraang mahulog mula sa punongkahoy na nasa tapat ng kanilang bahay.

Dahil dito, pumasok ang mga bubuyog sa kanilang bahay habang nasa loob si Jemar kasama ang kanyang mga magulang na sina Artemio, 53-anyos at Aniceta, 48.

Napuruhan si Mang Artemio sa mga kagat ng bubuyog na hindi na umabot ng buhay sa ospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply