Pamilya sinalakay ng bubuyog, ama patay

dead (2)

TODAS ang isa habang dalawa ang kasalukuyang nasa ospital makaraang putaktihin ng mga bubuyog sa kanilang bahay sa Davao City.

Nabatid sa biktimang si Jemar Barro, 24, nawasak ang bahay ng pukyutan (honey bee) makaraang mahulog mula sa punongkahoy na nasa tapat ng kanilang bahay.

Dahil dito, pumasok ang mga bubuyog sa kanilang bahay habang nasa loob  si Jemar kasama ang kanyang mga magulang na sina Artemio, 53-anyos at Aniceta, 48.

Napuruhan si Mang Artemio sa mga kagat ng bubuyog na hindi na umabot nang buhay sa ospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply