PANATA NAMIN, MAGIGING MAKATAO

BILANG isang makabayan, panata ng bawat isang mamamayang Pilipino ang pagiging makatao.
Subalit, kelan ba natin masasabi na ang bawat isa sa atin ay makatao?

Sa Philippine Navy, isinasaalang-alang at pinapahalagahan ang indibidwal ng katapatang pantao. Bilang bahagi ng isang propesyunal na hukbo, nagsasagawa ng mga information drive at iba pang programang naglalayong maipaabot at maintidihan ng bawat mandaragat at mandirigma ang mga gabay at alituntunin ng katapatang pantao.
Kasama sa mga programang nagawa na ng Philippine Navy ay ang pagkaroon nito ng Human Rights Office noong taong 2011.

Kasalukuyang gumawa ng mga pagsasaling-aral ang mga eksperto ng karapatang-pantao sa Philippine Navy. Halos buwan-buwan ay pumupunta ito sa mga Naval Forces at iba pang unit ng Philippine Navy para gumawa ng mga Information drive.

Kung noon man ay palaging naakusahan ang mga miyembro ng hukbo ng paglabag sa karapatang pantao, ngayon, ang bawat mandaragat at mandirigma ay katuwang ng bawat isa upang maging bantay ng karapatang pantao. Hindi kailanman hinahayaan o pinapayagan ng liderato ng Navy na magkaroon ng anumang paglabag na makakamit ang bawat miyembro ng hukbo.

Alinsunod sa mga inisyatibo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, nakikipagtulungan ang Philippine Navy sa Komisyon ng Karapatang Pantao upang mas maging maayos at mas mapalawak pa ang mga programang ginawa ng organisasyon hinggil dito.

Masasabing baguhan pa lamang ang Human Rights Office sa pagtataguyod ng karapatang pantao ngunit ito’y hindi hadlang sa pagganap ng tungkuling maging kaakibat ang bawat Mandaragat at Mandirigma sa Karapatang Pantao ng Konstitusyon, ng Patakaran ng Batas, at probisyon ng Pandaigdigang Batas Pantao.

Payak lang ang adhikain ng Philippine Navy at sa ngayon, nakaukit sa bawat puso ng isang Mandaragat o Mandirigma ang pagiging makatao dahil pag nasa Navy ka , makatao ka!


Leave a Reply

*
Oo nga....cease fire muna. Yang utang, di mawaw...
That is what you call practical and smart. May ib...
VIERNES SANTO NA ano ba! Next week na lang nyo ip...
WHEN I WAS IN THE PHILIPPINES A FEW MONTHS BACK, I...
SAME WITH ANGEL AND LUIS. GIMIK, NO SWEETNESS. LUI...
HAHAHAHA.....KOREK KA JAN..CHOC..PULOS PURITA ANG ...
Yun ba itsura ni Bob Arum dapat pagkatiwalaan..Obl...
kadalasan hawak ng mga pulis yan snatcher kaya nga...
Masyadong mayabang talaga itong ABS CBN at ang mga...
Wag mabahala e wala ngang vaccine para dyan???...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.