Pasaring ni PNoy kay GMA, walang kupas

pnoy8

PINASARINGAN ng Malakanyang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagpuri nito kay Pangulong Benigno Aquino III na may kinalaman sa GDP growth at payo na kailangan ang rule of law, due processes at independence of the judiciary para labanan ang katiwalian sa bansa.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na malinaw na naungusan at nahigitan ng isang estudyante (Pangulong Aquino) ang isang guro (Arroyo) sa aspetong ito.

“This is a classic case of the student already surpassing the teacher kasi part of what the former President said is that we are on track to going back to the 7.6 (percent) growth that was in GDP noong 2010, ’yung iniwanan daw po nila. But we all have to remember that 2010 was an election year and historically, if you look at all the data, kapag election year, mataas po talaga ang growth, mataas po talaga ang GDP. Bakit po? Because of election spending, and ask any economist, they’ll tell you the same thing,” anito sabay sabing “Simulan po natin ‘yung figures from 1988, election year po ‘yan, 6.8 (percent); noong 2004, ano po ‘yung GDP? 6.7 (percent); noong 2007, also, another election year, 6.6 (percent) po ‘yan tapos, noong 2010, of course, another election year, 7.6 (percent). But if you take out all the election years doon po, when you look at the GDP, if you exclude all the election years, ‘yung 6.6 (percent) po natin for 2012 is the fastest growth (that) the Philippine economy has seen in the past 30 years, surpassing all the past presidents, beginning from the former President Cory Aquino.”

Sa kabilang dako, tila ipinamukha naman ni Usec. Valte kay dating Pangulong Arroyo na ang batas na pinaiiral ng kasalukuyang administrasyon para labanan ang korapsyon ay may kaakibat na batas.

“That goes without saying. That is all there, which is why it translates also. The anti-corruption fight of the President has always been within the bounds of the rule of law with respect to other institutions, which is why it translates into good governance, and good governance translates to good economics,” aniya pa rin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply