Paslit patay sa lunod sa Ilocos Norte

PATAY ang 4-anyos na batang lalaki makaraang malunod sa isang resort sa Barangay Parang, Sarrat, Ilocos Norte.

Kinilala ang biktima na si Sean Kerby dela Cruz, ng Barangay Callaguip, Batac City.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente habang nagpipiknik ang buong pamilya ng biktima sa river resort sa naturang lugar.

Nabatid na hindi napansin ng mga magulang ng biktima na lumusong na sa tubig ang bata hanggang malunod.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply