PCOS machines, nagka-aberya sa isinagawang mock polls sa QC

NAGKAROON ang aberya nang hindi tumanggap ng balota ang isang makina ng Precinct Count Optical Scanner (PCOS)  bilang pagsalubong sa isinagawang mock polls ng Commission on Elections (COMELEC) sa ibat-ibang lugar sa  bansa.

Sa pag-arangkada ng mock polls sa UP-Integrated School sa Quezon City, hindi tinanggap ng precinct count optical scanner (PCOS) ang balota ng unang tatlong botante.

Sinubukan ng mga board of election inspectors (BEI) na ipasok sa apat na posibleng paraan ang balota sa makina ngunit hindi ito nagtagumpay.

Tumagal din ng halos 10 ang pagkakaantala ng proseso dahilan upang ilatag ang contingency plan at palitan ang makina.

Ipinagtaka ang aberya dahil sa ginawang pagsusuri bago magbukas ang presinto, gumana naman ang pagkain ng balota.

Ayon kay Comelec spokesperson Atty. James Jimenez, naging problema ang kulot na dulong bahagi ng balota.

“Pero ito lang, kailangan natin yung buong sistema… ang resulta ng pagtingin natin dito ang balota ang may problema pero kailangan nating tingnan ang makina,” ani Jimenez.

Sa aktwal na eleksyon, tiniyak ni Jimenez na kung sakaling mangyari ang ganitong senaryo sa 81,000 PCOS machines, mayroon silang higit 2,000 reserba para maging contingent machines.

Ayon sa botante na si Bernardina Ruelo, 50-anyos, ng P. Bernardo High School sa QC, sa kabuuan ay maayos at naging madali ang kanyang pagboto.

Ngunit may suhestiyon si Ruelo ukol sa unang hakbang “mahirap maghanap ng pangalan kasi rumble s’ya. Sa isang barangay, isang presinto, (dapat may) isang listahan,” panukala pa nito.

Dahil umano sa clustered precinct ang pinagbotohan niyang presinto, pinagsama-sama ang mga pangalan ng botante mula sa limang presinto dahilan upang matagalan siyang mahanap ang kanyang pangalan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply