Pera at iba pang gamit, limas sa snatcher

crime10

LIMAS ang pera ng 39-anyos na babae matapos tangayin ang kanyang bag sa Sta. Cruz, Maynila kahapon.

Hindi na naibalik pa ang bag ng biktimang si Lolina Bantillo, 39, ng Block 35 Addition Hills Welfare Compound, Mandaluyong City na naglalaman ng P52,000 at iba pang mahahalagang bagay.

Ayon sa report na naitala sa Manila Police Ditrict Public Information Office, 12:00 ng tanghali nang agawin ng mga suspek ang bag ng biktima sa CM Recto, kanto ng Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Agad namang nakatakas ang dalawang suspek na makikilala ng biktima kung makikita ulit ang mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply