Pinay DH pinalakad nang paluhod, pinadipa ng amo

crime10

ISANG Pinay ang pinarusahan ng kanyang amo sa Hong Kong sa pamamagitan ng paglalakad ng paluhod at pagdipa ng kanyang mga kamay makaraang akusahang itinulak nito ang kanyang inaalagang dalawang taon gulang na bata.

Nabatid na bago umano ang pagpaparusa ay nadapa ang inaalagaan ng Pinay na isang special child dahilan upang magalit ang amo nito at pinagbintangan ang Pinay na tinulak ang bata.

Pinaluhod ang Pinay at pinalakad mula sa tinakbuhan ng bata hanggang sa kung saan ito nadapa na tinatayang may apat na dipa ang layo.

Dahil dito, nag-resign ang Pinay sa trabaho at kasalukuyang nasa pangangalaga ng isang grupo sa Hong Kong habang naghihintay na makakita ng bagong employer.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply