PNoy, magtatrabaho sa kanyang 53rd birthday

ISANG working birthday ang magaganap sa mismong kaarawan ni Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III sa Biyernes, Pebrero 8, 2013.

Ang pangulo ay nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-53 taong kaarawan.

“Lagi naman po e. In the times that the President celebrated his birthday in office, lagi naman pong working ‘yung kanyang kaarawan,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Sa katunayan ay may nakatakda itong out-of-town event ngayong linggo.

“Sa Pebrero 5 po yata ‘yan, pupunta po ang Pangulo sa Davao for the Philippine Development Forum. So, at least, magkakaroon po ang Pangulo ng pagkakataon na mabisita naman po ‘yung ating mga kababayan po diyan,” ani Usec. Valte

Samantala, gaya ng nakaraang taon, dumalo ang Pangulong Aquino sa isang misa na idinaos sa Heroes Hall kasama ang kanyang mga cabinet members at mga empleyado ng Office of the President.

Ganoon din ang aktibidades ng Pangulong Aquino noong kanyang kaarawan ng nakaraang taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply