PPCRV, Adboard sanib-puwersa vs vote buying

stop-buying-votes

NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Advertising Board of the Philippines (Adboard) upang matiyak na hindi na magkakaroon pa ng vote buying sa bansa sa nalalapit na May 13 midterm elections.

Ayon sa PPCRV, katuwang ang Adboard ay maglulunsad sila ng malawakang kampanya laban sa vote buying.

Sinabi ni PPCRV communications head Ana De Villa-Singson na bahagi ng kanilang kampanya ang pagpapalabas ng mga public audiovisual materials na siyang magtutulak sa isang botante na tumigil muna, mag-isip at magnilay bago ibenta ang kanyang boto at ang kanyang kinabukasan.

Maglalabas din aniya sila ng mga materyales na makatutulong sa mga tao para sa pagboto ng matalino.

“We’re choosy about almost everything else so why not about the candidates we vote into office?” ani Singson.

Ibinunyag pa ni Singson na noong 2010 elections, nagkaroon ng malawakang vote buying o mula sa paisa-isang bilihan ng boto hanggang sa wholesale buying of votes o yaong pagbebenta ng boto ng buong pamilya o ng isang barangay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply