Preso namatay sa QCPD station 3 Talipapa

crime11

ISANG preso ang namatay sa detention cell ng Quezon City Police District Station 3 Talipapa matapos magwala at  iuntog ang kanyang ulo sa pader kagabi Pebrero 3, 2013.

Kinilala ang biktima na si Roberto Marasigan, 32, na idineklarang  dead  on arrival sa Quezon City General Hospital  sanhi ng matinding pinsala sa ulo.

Si  Marasigan ay  nakapiit  dahil  sa kasong paglabag  sa  PD 1866 O illegal possession of  firearms.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District  Station 3 Talipapa, naganap  ang insidente dakong  6:00 kagabi sa loob ng  QCPD station  3 detention cell.

Sinabi  ni  SPO1 Edwin dela  Cruz  na nagwala  ang  biktimang  si Marasigan  sa loob  ng  detention cell  at  iniuntog  ang kanyang ulo  dahilan  para  magtamo  ito ng pinsala sa  ulo.

Tinangkang  pahupain ng kanyang  mga  kasamahang  preso  ang biktima  at  mga pulis subalit patuloy  nitong  inuntog ang kanyang ulo sa pader.

Agad  isinugod  ang  biktima   sa  naturang  ospital  subalit   binawian  din ng buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply