Presyo ng produktong petrolyo, tumaas; kilos protesta inaasahan

oil-hikee

INAASAHAN na magsasagawa ng kaliwa’t kanang kilos protesta ang iba’t ibang grupo ng transportasyon makaraang muling magpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang malalaking kompanya ng langis sa bansa kung saan noong isang linggo lamang nakapagpatupad na sila ng “oil price hike”.

Dakong alas-6 kahapon ng umaga ng ipatupad ng mga higanteng kompanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Chevron Philippines at Flying V ang P1.05 kada litro ang dagdag presyo sa premium at unleaded.

Habang P0.75 kada litro naman sa regular gasoline at P0.45 naman kada litro  sa diesel at kerosene.

Maging ang Total Philippines at Eastern Petroleum Philippines ay sumunod sa mga nabatid na kompanya ng langis na kahalintulad din ng presyo at oras na ipinatupad ng kanilang mga produktong petrolyo.

Ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng pagbabago sa presyuhan sa pandaigdigan pamilihan.

Matatandaan na noong Enero 29 ay huling nagpatupad ng pagtaas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng P0.95 kada litro ng regular gasoline habang P0.90 naman sa premium at unleaded gasoline habang P0.45 naman sa kerosene at P0.35 sentimos sa diesel.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply