Problemadong kolehiyala, nag-suicide sa Parañaque

crime-scene-bigti

PROBLEMA sa pag-aaral ang nakikitang dahilan kaya’t nagpasya ang isang kolehiyala na wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa Parañaque City, kagabi.

Nadiskubre ang bangkay ng biktimang si “Rita Joy”, 17-anyos, 2nd year student ng Polytechnique University of the Philippine (PUP) dakong alas-10:30 ng gabi sa loob ng kanyang silid sa kanilang bahay sa 1407 Interior I. Gabriel St., Barangay Baclaran ng kanyang inang si Jenny Rose.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Reynaldo Arojado ng Criminal Investigation Division ng Parañaque Police, kinakatok umano ng ina ang kanyang panganay na anak upang gisingin subalit hindi ito tumugon sa kabila ng paulit-ulit na pagkatok.

Agad na humingi ng tulong si Jenny Rose sa kanyang manugang at puwersahan nilang binuksan ang pintuan kung saan nakita ang nakabitin na katawan ng biktima. Kaagad na kinalag ng dalawa ang lubid (nylon) na nakapulupot sa leeg ng dalagita at isinugod pa sa Ospital ng Maynila subalit patay na nang idating sa naturang pagamutan.

Sa pahayag ng mga magulang ng biktima sa pulisya, may kinakaharap umanong matinding problema sa pag-aaral ang biktima na posibleng naging daan ng kanyang pagpapatiwakal.

Wala namang nakitang suicide note ang pulisya sa loob ng silid ng biktima at wala rin ibang sugat ang dalagita sa iba pang parte ng katawan maliban sa marka ng pagkakabigti sa leeg.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply