Pulis niratrat, tigbak

crime8

NAPATAY ang isang pulis na nakatalaga sa Police Station 2 ng Cotabato City Police Office makaraang pagbabarilin sa harapan ng kanilang bahay kagabi (February 3,) sa barangay Salimbao sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Namatay sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si PO3 Oscar Ronquillo.

Batay sa nakalap ng report, ang insidente ay naganap sa harap mismo ng bahay ng biktima nang dumating ang mga di’ pa kilalang suspek at agad na pinaputukan ng sunod-sunod ang naturang pulis.

Nagulat na lamang ang mga kamag-anak nito nang makarinig ng malalakas na putok ng baril at nakita ang nakahandusay na duguang biktima.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit binawian din ito ng buhay dahil sa matinding tinamo mula sa cal .45 pistol at .9mm.

Inaalam pa ng Sultan Kudarat PNP ang motibo sa pamamaril at kung sino ang mga salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply