QCPD’s MICHAEL CORLEONE

bong_padua1

KUNG si Pangulong Noy at  Sec. Mar Roxas na kilalang tagasulong ng tuwid na daan ang tatanungin, siguradong sila’y bulag sa tunay na nangyayari sa kapulisan.

Ito’y dahil – sa totoo lang – hindi lahat ng kaganapan sa kanilang nasasakupan ay inire-report sa kanila ng mga regional at district commander.

Maliban na lang siguro kapag sila’y may naresolbang kaso na magbibigay puri sa kanilang liderato, tiyak na sila’y mag-uulat kina Pang. Noynoy at Roxas.

Pero ang nangyayaring kababalaghan sa loob ng istasyon at kampo ng kapulisan, tiyak mapamumura ang Pangulo at ang Department of Interior and Local Government chief kapag nalaman.

Sa mga natutunghayan nating ambusan at nakawan sa mga business establishment, maliwanag ang kainutilan ng kapulisan.

Ito’y dahil ang inaatupag ay pagtahak sa baluktot na daan kaya napalalayo at kinukulang ang oras sa pagharap sa problema ng krimen.

‘Di natin nilalahat, pero tulad yan ng isang basket ng prutas, kapag may isang bulok, sa kalaunan lahat ng nasa basket ay mabubulok.

Tulad halimbawa diyan sa QCPD, ang bagong talagang director na si S/Supt. Richard Albano ay kilalang magaling na opisyal.

Ang kanyang exploit sa pagresolba ng krimen ay minsang naihalintulad natin sa isang magaling na  American detective na si Nero Wolf.

Sa mga kriminal na nagsisiga-sigaan diyan sa lungsod ni Mayor Bistek, ituloy n’yo ang inyong mga gawain at bahala na sa inyo si ‘Wolf’.

Pero sa palagay natin, ‘di matatapos ang misyon ni Albano sa kanyang bagong assignment kung ‘di masupil ang kalokohan ng isang QCPD official.

Itong si official na tawagin na lamang nating si Col. Pagador ay mistulang si ‘Michael Corleone’ sa paghahasik ng lagim sa QCPD.

Kilala n’yo ba si Corleone? Para sa ‘di nakakikilala, itong si Corleone ay yaong bossing o  bida sa blockbuster movie na ‘God-father’.

Tulad ni Corleone, punom-puno raw ng kalokohan sa katawan si Col. Pagador na amo ni ‘Rocky’ na pasimuno ng tong collection sa QC.

Tulad ni Corleone, yumaman na sina Col. Pagador at Rocky dahil sa lotteng pa lang, P847,000 na ang kanilang kinokolekta kada linggo.

Eh sa video karera, bold shows, pirated CDs, illegal terminal at kung ano-ano pang kailigalan, aabot ng P4 million weekly ang collection.

Alam kaya ni ‘Wolf’ ‘yan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply