Richard Gutierrez, nagulat sa pagkasibak ng reality show sa GMA!

extra-challenge

Bakit  nawala na ang Extra Challenge ng GMA 7?

“Hindi ko nga alam, e. It was a successful show,” bungad ni Richard Gutierrez.

How true na nagde-demand ng mas mataas na tf si ‘Chard kaya napagdesiyunang alisin na lang ito…

“Hindi! Alam naman nila yung TF ko from the start. Tsaka naka-set naman yun e, yung TF ko, e.”

Nang sabihin sa kanya na last taping day na nila, ano ang naging reaksyon niya?

“Nagulat ako, siyempre! Kasi ini-expect ko na mas mahaba.”

“Tinanong ko sila pero yung sagot din nila sa akin hindi ko rin masyadong maintindihan. Pero ganun talaga e, sa TV hindi mo rin masasabi, e.

“Pero okay lang kasi may bagong project naman na ibibigay sa akin ang GMA. Soap opera. Wala pang final casting e pero it’s on the works and malapit na raw kaming mag–start.”

Sinu-sino ang mga gusto niyang mgaing leading ladies sa serye?

“Gusto ko ulit makatrabaho si Lovi Poe kasi nagtrabaho kami before nun sa Captain Barbell pero part lang siya hindi siya talaga yung focus nung ano, e.

“Okay si Lovi, gusto ko rin siyang makatrabaho sa teleserye.

“Si Marian (Rivera), hindi ko pa nakakatrabaho sa teleserye, never ko pang nakatrabaho si Marian sa teleserye.”

So hindi totoong aalis siya sa GMA?

“Sino nagsabi nun? Hindi.”

Hanggang kailan ang kontrata niya sa GMA?

“Malapit ng mag-end, mga in a few months. Matagal pa, medyo matagal pa actually so ayoko ring i-entertain yung mga idea na paglipat, ganyan ganyan.”

May offer ba ang ibang istasyon sa kanya?

“Hindi ko alam, e. Ako nagko-concentrate lang muna ako sa trabaho ko at tsaka nakakahiya rin sa GMA kasi siyempre may mga proejcts pa silang gagawin for me, so…”

Magre-renew siya?

“Hindi ko pa alam… hindi ko pa alam.”

Anyway, showing na ngayon ang pelikula niya sa Regal Films na ‘Seduction’ na kung saan ay si Peque Gallaga ang director.

-0o0-

May ipapalit na sa ‘Extra Challenge’ Isang sitcom sa Sabado na tatampukan ni Vic Sotto entitled Vampire ang Daddy ko with Ryzza Mae Dizon, Oyo Sotto, Pilita Corrales, Glaiza De Castro, Jinky Oda.

Ang nakaiintriga ay ang pagsasama nina Derrick Monasterio at Bea Binene sa naturang show.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kuya Germs na naetsapuwera si Jake Vargas at iba ang itinambal kay Bea? Pinalalaki pa rin ang tandem nina Barbie Forteza at Derrick pero sina Derrick at Bea ang magkasama ngayon. Hindi kaya ma-develop ang dalawa dahil ang unang love ni Derrick sa showbiz ay si Bea pero naudlot lang dahil sa kani-kanilang career at may kanya-kanyang loveteam na dapat protektahan nu’ng araw?

Anyway, mabubura na si Derrick sa mga blind items na lead actor ng Kapuso na walang sasakyan at nakikisabay di -umano sa service pag may taping dahil kabibili lang niya ng black Montero. Nag-ipon si Derrick dahil high end car ang gusto niya at ayaw niya ng segunda mano.

Si Barbie ang unang  pinasakay niya sa bago niyang sasakyan.

Talbog!

-0o0-

Muling humakot ng parangal ang ABS-CBN sa ginanap na Gandingan 2013: 75th UPLB Isko’t Iska’s Broadcast Choice Awards kabilang na ang dalawa sa pinakamataas na pagkilala bilang most Development-Oriented TV station para sa ABS-CBN at Best AM station para sa DZMM.

Nakakuha ng 21 parangal ang ABS-CBN kumpara sa GMA na nanalo ng 13 at TV5 na walang napanalunan, kaya naman nananatiling pinakapinarangalan at pinakanangungunang TV station pa rin ang Kapamilya Network para sa mga estudyante ng University of the Philippines Los Banos (UPLB) sa loob ng pitong taon.

Wagi ang mga programa at personalidad ng ABS-CBN News and Current Affairs na kinabibilangan ng Rated K bilang Best Magazine Program; Korina Sanchez bilang Best Magazine Program; Umagang Kay Ganda bilang Best Morning Show at mga host nito bilang Best Morning Show Hosts; Ted Failon bilang Best Investigative Program Host para sa Failon Ngayon; The Bottomline with Boy Abunda bilang Best Development-Oriented Talk Show at host nito na si Boy Abunda bilang Best Development-Oriented Talk Show Host; at ang Matanglawin bilang Best Educational Program.

Kinilala rin ang AM at FM stations ng ABS-CBN na DZMM at Tambayan 101.9 sa radio categories nang manalong Best AM Announcer si Ted Failon para sa Failon Ngayon sa DZMM; Most Development-Oriented AM program naman ang Radyo Negosyo; Best Disc Jock si DJ Cha-Cha at Most Development-Oriented FM Program ang Anong Meron?

Bagamat wala na sa ere ay nanalo pa rin ang lifestyle program ng Studio 23 na Us Girls bilang Best Women-Oriented Program habang ang hosts nito na sina Angel Aquino, Chesca Garcia-Kramer, at Iya Villania ay kinilala na- man bilang Gandingan ng Kababaihan.

Samantala, muli namang pinarangalan si Kim Atienza bilang Gandingan ng Edukasyon at Gandingan ng Kalikasan; si Carl Balita bilang Gandingan ng Kabuhayan; at ang ABS-CBN bilang Gandingan ng Pinilakang Tabing sa dalawang magkasunod na taon na.

Ang Gandingan Awards ang taunang awards program ng UP Community Broadcaster’s Society sa UPLB. Mahigit isang libong estudyante ng UPLB ang bumoboto taun-taon ng mga programa at personalidad na nagtataguyod ng mga isyu para sa kaunlaran.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply