SALIWANG PAG-IISIP NI MAYOR FELICIANO LEGASPI NG ‘GARAY

burdado- jun briones

PITONG kababaihan ang nasaktan nang magpang-abot ang mga tagasuporta nina suspended Mayor Feliciano Legaspi at acting Mayor (Vice Mayor) Rogelio Santos ng Norzagaray, Bulacan.

Nag-ugat ang kaguluhan nang magmatigas si Legaspi na bumaba sa pwesto at harangin ang pagpasok ni Acting Mayor Santos.

Matatandaan, parekoy, na nagbaba ng kautusan si Ombudsman Conchita Carpio Morales noon pang Nob. 19, 2012 para sa suspensyon ni Mayor Legaspi ng anim (6) na buwan dahil sa kasong isinampa laban sa kanya.

Ayon kay Legaspi, handa siyang bumaba sa puwesto kung mapatutunayang ligal ang pagkakasuspinde sa kanya. Kung sino man ang tagapayo ni Mayor Legaspi ay maaaring hindi nakauunawa ng batas o gusto lang ipahamak si meyor.

Alam mo ba, Mayor Legaspi, ang doktrina ng “presumption of regularity?” Ibig sabihin, ang mga hakbang ng awtoridad ay pine-presume na regular, justified o naaayon sa batas.

At sinomang apektado sa nasabing hakbang na sa tingin niya ito ay iligal, iregular o labag sa batas, maaari siyang tumakbo sa ating mga korte.

Tingnan mo, meyor, noong karaka mong inilipat na Market Admin ang Budget Officer, di ba nasunod ang iyong utos? Dahil ‘yan, meyor, ang presumption of regularity!

Pero dahil sa paniwalang labag sa batas ang iyong hakbang kaya binitbit ka sa Ombudsman ng apektadong Budget Officer.

Ngayong nagpalabas ng utos ang Ombudsman na ikaw ay nagkasala dahil labag sa batas ang iyong ginawa, kaya ka sinuspinde ng anim na buwan.

Kung nakauunawa ka, meyor, ng batas ay dapat mong sundin ang suspension ng Ombudsman, ayon na rin sa doktrinang presumption of regularity.

At kung sa tingin mo naman ay may nilabag na batas ang Ombuds-man ay malaya kang tumakbo sa tamang hukuman para patunayang mali sila!

Ibig sabihin, hindi obligasyon ni Acting Mayor Santos na patunayan sa iyo na ligal at justified ang kanyang pagiging Acting Mayor ng Norzagaray!

Tangna, parekoy, ‘yan ang hirap sa mga tao na nagkapera lang ay basta na lang papasok sa pulitika kahit bobo.

Ang gusto ay sila na lang  palagi ang tama! Pwe!

Lagi na lang sila. Sa math sila, sa science sila, sa English sila . . . pati sa kalokohan ay sila pa rin! Hak, hak, hak!

Ang kawawang supporters naman na walang alam sa batas ang napapahamak!

Maawa ka naman meyor sa iyong sarili at sa iyong mga tagasuporta . . . Layas na!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply