Scaffolding ng coal power plant sa Rizal bumigay, 1 patay

dead (2)

KUMPIRMADONG isa ang namatay habang inaalam pa kung nasawi rin ang apat na lalaking naipit makaraang gumuho ang scaffolding ng isang power plant sa Pililia, Rizal.

Nakilala ang nasawi na si Edward Fidel, trabahador ng SPC Power Plant, habang patuloy na sinasagip ng rescue team ang apat na nasa peligro ang buhay dahil nasa ilalim sila ng 76 meters o 228 feet matapos mahulog ang pinakatuktok na bakal ng scaffolding.

Samantala, 10 naman na manggagawa rin ang sugatan sa nasabing aksidente na isinugod sa Tanay General Hospital matapos magtamo ng mga sugat at lamog sa katawan.

Nakilala ang ilang sugatan na sina Benedicto Batain, Tereso Esguerra, Rogelio Carigma, at Golberto Rodriguez.

Hindi pa rin nagbibigay ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng coal plant ngunit sinasabing ang pagpapalit nito ng mas mabigat na bakal ang dahilan ng aksidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply