Secret marshalls sa MM, suportado ni Golez

secret-agent-1

SUPORTADO ng ilang kongresista ang panawagan ni Isabela Rep. Rodolfo Albano na magpakalat na ng mga secret marshalls sa Kamaynilaan upang makatulong sa pagsugpo sa sunud-sunod na kriminalidad.

Kinatigan ni Parañaque Rep. Roilo Golez ang panawagang ito ng kapwa niya mambabatas.

Binigyang diin ni Golez na madaliin ng Philippine National Police ang kunsiderasyon sa panawagang ito lalo na para sa mga itinuturing na critical areas.

Mungkahi pa ng kongresista na maglagay ng secret marshalls sa mga malls pero kailangang may maayos na koordinasyon sa pribadong security ng mga ganitong establisimyento.

Magkagayunman, ipinaliwanag ni Golez, na ang dapat maging pangunahing trabaho ng secret marshalls ay mag-monitor at aaksyon lamang kung mayroon nang aktwal na panganib sa publiko o kung may matiyempuhang targeted personalities dahil mayroong warrant of arrest.

Marapat din na maingat ang mga secret marshalls para hindi makapang-harass ng sinuman.

Naniniwala rin si Golez na bumaba ang index crime sa bansa at nauulat lamang masyado ang mga celebrated o sensational cases.

Naunang iminungkahi ni Albano sa PNP na magpakalat ng secret marshalls matapos niyang punahin ang sunud-sunod na krimen sa Metro Manila na ang ilan ay siguradong konektado sa darating na eleksyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply