SENATORIAL CAMPAIGN PAINIT NA

raul_valino

PAINIT na ang senatorial campaign sa kabila ng kalituhan kung kanino ba talaga kampi sina Loren Legarda, Francis Escudero at Grace Poe Llamanzares, si PNoy ba o sina Erap Estrada at Jojo Binay.

Silang tatlo ang common candidate ng pinagsanib na Liberal Party at Nacionalista Party sa isang banda at sa kabilang dako naman ay ang coalition ng UNA o United Nationalist Alliance.

Dumagdag pa ang bagong tatag na Democratic Party of the Philippines (DPP) na ang mga kandidato ay sina Baldomero Falcone, dating Rep. Christian Señeres at ex-Manila councilor Greco Belgica.

Si Falcone ang national president ng DPP at si Luis Ramos naman ang national chairman.

Ang DPP raw ay kukuha rin ng mga guest candidate magmula sa LP, NP at UNA na ang mga kandidato ay kasanib ng Lakas ni ex-President Fidel Ramos at ex-President Gloria Macapagal Arroyo.

Sinasabing ito raw mid-term election for senators ay paghahanda sa susunod na presidential elections na kung saan ang mga magtutunggali ay sina Mar Roxas, Jojo Binay at ayon sa Lakas-Kampi ay pati na si Bong Revilla.

Ang sabi ng DPP, sila raw ang best alternative to the two existing dominant parties ng LP-NP at UNA-Lakas-Kampi.

Pero sino ba talaga ang mga magkakampi sa halalang ito?

Kami, sabi ng taga kampanya ni President Noynoy at iyan ay mas clear pa sa black and white.

“This campaign is a marketing exercise where you sell a product. We’re selling our own brand of governance under President Aquino.

“We will try to make the distinction to the fullest extent so the choices will be very clear to the people,” said Transportation Secretary Joseph E.A. Abaya.

Umalma naman ang UNA. “Amin si Legarda, Escudero at Llamanzares.

”Sa totoo lang, pare-pareho lang na balimbing ang mga common candidate.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply