Senglot na parak tiklo sa gun ban

handcuff

DINAKIP ang isang bagitong pulis matapos manakot ng tricycle driver sa Valenzuela City Lunes ng madaling araw, Pebrero 4.

Nahaharap sa paglabag sa omnibus election code si PO1 Carlo Martin Ramirez, 29 nakatalaga sa Bulacan Provincial Safety Company at residente ng Jacinto St., Malolos Bulacan.

Sa ulat, dakong alas-12:10 ng madaling araw, nakatanggap ng tawag sa telepono na may isang lalaki na may dalang baril at tinatakot ang driver na si Ernesto Pascual at Jimmy Pascual sa Que Grande St., General T. De Leon ng lungsod.

Nang respondehan ay inabutan ng mga pulis ang kabaro sakay ng kotse na agad na sinita at pinababa.

Agad na kinuha ang .9mm na baril ni Ramirez na nagpakilalang pulis subalit nang hingan ng kaukulang papeles ay walang naipakita ang una na naging dahilan upang dalhin sa presinto at sampahan ng nasabing kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply