Sertipikasyon ni PNoy na lang ang kulang sa FOI

FOI-1

SERTIPIKASYON na lamang ang hinihintay ng Kamara upang tuluyang umusad at maihabol sa 15th Congress ang Freedom of Information Bill.

Ito ang inamin ni House Speaker Feliciano Belmonte upang maisalba ang FOI.

Aniya, kung walang basbas ng pangulo ay tuluyan nang maibabasura ang FOI ngayong 15th Congress.

Ngunit kahit pa aniya pwersahin sa nalalabing dalawang araw na sesyon bago ang recess ng Kongreso ay hindi pa rin uubra dahil hindi naman aniya maaaring sagasaan ang period of interpellations lalo pa’t nakalinya ang maraming gustong mag-interpellate.

Pero kung may sertipikasyon aniya mula kay Pangulong Aquino ay maaaring magsagawa ng sesyon hanggang hatinggabi o kahit lagpas pa ng Mierkules upang maihabol ang FOI.

Magagawa aniya ito ng Kamara kung magkakaroon lamang ng sapat na bilang ng mga kongresista o ng korum.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply