SINALBAHENG KALYE

pakurot

SINIMULAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road widening project sa highway ng bayan ng Balayan sa lalawigan ng Batangas bago pa man pumasok ang buwan ng Pebrero.

Barangay Gumamela ang pilot area ng proyekto kung saan ang Kapitan ng barangay ay si Raul de Jesus na siya ring ABC president ng munisipalidad.

Sa madaling salita, sa nasabing barangay nakasalalay ang tagumpay ng proyekto.

Ipinipilit ng mga taga-DPWH First District at Jasmig Corporation, contractor ng proyekto, na pumayag man o hindi ang mga residente ngbarangay ay kanilang itutuloy ang pagpapalawak ng kalye sapagkat ito ay para sa pag-unlad ng pamayanan.

Wala namang tutol ang mga residente ng Gumamela sa pagpapalawak ng kalsada sapagkat batid naman nila na bahagi ito ng proyekto ng pamahalaan para na rin sa turismo at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Lamang, ang hindi gusto ng mga tao ay ang hindi pagdaan sa proseso ng mga taong gobyerno o ng ahensiyang gumagalaw para sa pagpapaluwang ng kalye sapagkat basta na lang ang mga ito nagsukat at planong gibain ang mga bahay at establisimyento na masasagasaan ng proyekto.

Natural, tututol ang mga tao sapagkat nawalan na nga sila ng bahagi ng lupa at sila pa rin ang magpapagawa ng bahay at ari-arian nilang nasira. Nasaan naman ang katarungan?

Pang-aapi sa karapatan ng mga mamamayan ang ginagawa ng DPWH. Sa pangyayaring ito, nais ng mga residente na sagutin ni Pangulong Benigno Aquino III ang maling asal ng mga taga-pamahalaan.

Hindi ba’t ipinagsisigawan ni Pangulong Noynoy na ang mga Filipino ang kanyang “Boss” pero ang ginagawa naman ng gobyerno ay binubusabos niya ang mga tao na nagbabayad ng buwis para maipasahod sa kanilang mga namamasukan sa pamahalaan?

Hiling din ng mga residente na maipatigil ang proyekto hangga’t hindi nagkakaroon ng maayos na usapan kaugnay ng kabayaran sa kanilang mga ari-arian na tatamaan.

Sa pagkakataong hindi sila mababayaran, mismong ang pamahalaan ang lumabag sa Republic Act No. 8974 o an act to facilitate the acquisition of right-of- way, site or location for national  government infrastructure projects and for other purpose.

Kailangang siguruhin ng pamahalaan na ang may-ari ng lupa o establisimyento na kanilang naperwisyo ay nabayaran nang maayos.

Kaugnay nito, sinasabi ng  Article III, Section 9 ng Saligang Batas na “private property shall not be taken for public use without just compensation.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply