Sindikato sa BoC, muling umiskor

crime3

MULI na naman nakapambiktima ang sindikato na nag-ooperate sa labas ng Bureau of Customs (BoC).

Kasunod ito ng reklamo ng isang negosyante na si Jose Ernesto Robles Jr., 39, ng 55 Tawiran St. Santolan, Pasig City sa MPD-General Assignment Section.

Sa reklamo ng biktima, isang Atty. Armando Romulo, umano’y Custom Collector Examiner ng BoC, isang alyas Mario, staff umano ni Romulo at isang Freddie Pier, fixer sa loob ng BoC.

Nangyari umano ang insidente noong Pebrero 1 sa harap ng Gate 3 ng South Harbor, Ermita, Maynila.

Halagang P84,000 naman ang natangay sa biktima para pambili umano ng mga “Bridgestone” na gulong na ilalabas sa loob ng South Harbor .

Dahil mura ang alok ay kinagat naman ito ng biktima kaya ibinigay ang pera sa suspek at nagkasundo na magkita sa tapat ng gate 3.

Sinabihan din ng suspek ang biktima na maghintay na lamang sa lugar ngunit ilang oras na ang naikalilipas ay hindi pa rin nagpapakita ang suspek at nang tawagan sa cellphone ay hindi na rin makontak.

Dito na nagduda ang biktima at napagtanto na siya ay nabiktima ng swindling.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng pulisya ang publiko na huwag ma-enganyo sa murang produkto na manggagaling sa loob ng BoC at mas makabubuting beripikahin muna kung ang ka-transaksiyon ay talagang empleyado ng BoC.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply