SINUNGALING ANG COMELEC AT BAKIT WALANG RALLY VS CHINA

burdado- jun briones

MATAPOS ang mock elections na isinagawa ng Comelec ay agad itong nagpahayag na OK ang resulta liban sa minor errors. Gustong papaniwalain ng Comelec ang taumbayan na magiging smooth ang takbo ng halalan sa Mayo.

Pero sa totoo lang, parekoy, malala ang problema. Ba’t ko nasabi? Aba, eh, kung mumurahing computers lang o electronic gadgets mula sa Divisoria ang magkaroon ng “minor errors” ay mauunawaan natin ito.

Pero kung ang magkaroon ng problema ang mamahaling Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines na ipinangangalandakan ng Comelec na halos imposibleng madaya o ma-tamper, masasabi ba nating minor error lang? Kung vulnerable pala sa “minor errors” ‘yang lintek na PCOS machines, gaano pa kaya sa “tampering” at iba pang pandaraya gamit ang sophisticated na electronic devices?

Kung hindi ka bobo, Chairman Brillantes, alam mo ang ibig kong sabihin! Na talagang malala ang suliranin ng mga PCOS machine na ‘yan at sinasabi mo lang na “minor errors” para mapanatag ang madla at mga kandidato.

At nawala talaga sa isip mo na anomang gadget, lalo na kung mamahalin na nagkakaroon ng “minor error” ay lalong vulnerable sa iba pang problema!

-o0o-

HANGA tayo, parekoy, sa pagiging tunay na makabayan nitong mga militanteng grupo.

Sa kaunting pagkakamali lang ng ating pamahalaan at maging ng bansang Amerika ay nakabantay sila at kaagad na nagsasagawa ng rally.

Kamakailan lang ay mariin nilang kinondena ang tungkol sa pagdaong dito sa atin ng “nuclear powered” submarine. Maging ang Visiting Forces Agreement natin sa Amerika.

Tama lang, dahil hindi naman talaga tayo dapat panghimasukan ng mga banyaga. Kahit sabihin pang kakampi natin sila sa ating pakikibaka.

Ang hindi ko lang mauunawaan, galit tayo at agad nagra-rally kapag may bisitang kaalyado, pero tahimik tuloy tayo sa pang-aagaw na ng demonyong Tsina ng teritoryo o pag-aari! ng ating bansa, Ibig kong sabihin, parekoy, kung galit tayo kapag may dumadalaw na kaibigan, aba eh, mas dapat tayong magpapasag kung kaaway ang pumasok sa ating pamamahay!

Dapat siguro ay unahin natin ang mga pagsasagawa ng rally sa embahada ng Tsina!

Batuhin sila ng bulok na balut at kamatis at obligahing lumayas ang kanilang mga barko mula sa ating teritoryo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply