So sasabak sa Iceland Chess C’ships

wesley-so

PAKAY ni Pinoy super grandmaster Wesley So ang abutin ang 2700 elo rating at paghandaan ang pinakamahalagang torneo para sa kanya, ang 7th Chess World Cup 2013.

Kaya naman sasabakan ni So, (elo 2682) ang 28th Reykjavic Open Men’s and Women’s Chess Championships 2013 sa Pebrero 19-27 sa 28,000 square meter Harpa Music Hall sa Reykjavic City, Iceland.

Mga ilang torneo pa ang lalahukan ni So pagkatapos sa Iceland para makamit ang asam na elo rating.

Ilang tune-up topurnaments din ang kailangan ng 19 anyos na si So para sa World Cup na magsisimula sa Agosto 10 hanggang Setyembre 5 sa Tromso, Norway tampok ang 128-player single-elimination tournament.

Makakasama ni So sa pagtulak ng piyesa sa WC ay si GM Oliver Barbosa, nag-qualify dahil sa fifth-place finish sa 11th Asian Continental Chess Championship 2012 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Nagkaroon ng puwesto si So sa WC matapos itong mag second place sa katatapos na Asian Zone 3.3 Men’s and Women’s Individual Chess Championships sa Tagaytay City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply