Spoelstra tatawag ng play sa All-Star game

eric-spoelstra

DOBLENG selebrasyon para sa Miami Heat.

Una ay dahil tinalo nila ang Toronto Raptors,100-85 kanina sa 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Pangalawa ay nasiguro ni Heat coach Erik Spoelstra na siya ang tatawag ng play sa gaganaping 2013-NBA All-Star game sa darating na Pebrero 3.

”It’s awesome,” wika ni basketball superstar LeBron James top scorer sa Heat na may tinikadang 30 points, 8 rebounds at 7 assists. ”It’s a testament to our coaches’ preparedness. As players we go out there and just try to execute their game plan. We’re happy for them.”

May kartang 30-14 win-loss slate ang Heat sapat para talunin ang New York Knicks sa percentage at mahirang si Spoelstra bilang coach sa Eastern Conference team sa Houston.

”We’re happy to go, we’re excited about it,” ani Spoelstra. ”You don’t spend any time thinking about it as it’s happening, you’re just trying to prepare your team and make sure you have the best record. Now that it happened, it’s cool. We’ll make the most of it.

Bumira sina Chris Bosh at Dwyane Wade ng 28 at 23 points upang bumalikwas ang Heat mula sa kanilang pagkatalo noong nakaraang laban sa Indiana Pacers, 89-102.

Sina three-time MVP James 2006 Finals MVP Wade ay binoto bilang starting lineup para sa East habang si Bosh ay kasama sa reserve.

”They deserve it,” saad ni Bosh. ”They work hard, just like us. To be able to have that honor and that privilege, it’s a great thing.”

Si Bosh ay dating Raptors star player, iniwan niya ito para sumama kila James at Wade sa Miami kaya naman nakaranas siya ng pag-booe sa kanya ng mga fans sa Toronto.

”I was hearing a lot from the fans,” pahayag ni Bosh. ”I thank them for continuing to stay on me and call me names and stuff because that helped my focus a lot. I was like ‘I need to get in this to shut them up.”

Si Rudy Gay ang naguna sa opensa para sa Raptors na may binirang 29 pts. Habang tumulong si DeMar DeRozan ng 27 markers.

”They’re the champs,” ani DeRozan. ”We couldn’t stop them. We couldn’t slow them down when they got it going.”

Sa ibang NBA resulta, tinalo ng Los Angeles Lakers ang Detroit Pistons,98-97 habang dikit din na tinalo ng Boston Celtics ang Los Angeles Clippers, 106-104.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply