STA. LUCIA MANGGOGOYO SA OFW

MISYON-AKSYON_Arnel-Petil

Mr. Petil. OFW po ako sa bansang Saudi. Katunayan malimit ko pong  basahin ang inyong kolum. Marami kayong natutulungan. Kaya hindi na po ako nagdalawang-isip na ipadala sa inyo ang aking dokumento. Kumuha po kami ng bahay sa “Colina Verdes” sa San Jose del Monte, Bulacan. Ang developer ay Sta. Lucia Realty, Orchard Property Marketing Corporation.

Laking tuwa po namin sa dahilang respetadong developer sila. Iyon pala, may kaakibat silang panloloko sa mga kostumer. Magaling ang ka-nilang stratehiya at sistema sa panggogoyo.

Buwan po ng Oktubre, nakatanggap po ako ng reminder letter mula sa sales services department na walang lagda ng nagpadala at nakasulat doon ang “system generated letter, signature not required.” Nakasaad ang paalala na nakaligtaan ko ang aking bayarin na may halagang P34,653.34 na may kaukulang multa na halagang P2,762.21 at kung hindi pa ito ma-babayaran ang nasabing bayarin ay magkakaroon ito ng akomolasyon ng multa. Binayaran ko ang multa at interes noong 1/15/2011 hanggang 1/15/2012 na may kabuuang halagang P79,538.12, penalty – P3,587.63, down payment – P83,125.75 at P10,000 na reservation fee.

Sa madaling salita, wala pang isang taon ang kasunduan nakatanggap na kami ng Reminder Letter noong Oct. 5, 2011, Final Notice noong Nov. 15, 2011 at cancellation noong Nov. 29, 2011 na may lagda ng VP for Finance & Administration, Irma C. Topacio. Iniilit ang bahay na aking binibili.

Ang masaklap, hindi ko maisip kung paano nangyari sa dahilang tinanggap naman nila ang perang ibinayad ko. Katunayan mayroon akong  mga resibo sa pinagbayaran.

Sa pananaw  ko, na-double cross ako. Umaasa akong mabibigyan ninyo ako ng payo at maaaksyunan ang ga-nitong problema ng mga OFW na kumukuha ng bahay pero nawawala na parang bula.

Ayon po sa ilang nakausap ko, hindi lamang ako ang naging biktima ng ganitong sistema at kayo pong mga Media ang may malaking maitutulong sa amin na biktima ng matalinong panggogoyo.

Gumagalang
Mr. Reformina

Paging Sta. Lucia Realty Corporation (Orchard Property Marketing Corporation) “OMPC” President Eduardo U. Tirona .Sir, pakiimbestigahan naman ang isa ninyong kostumer na isang OFW. Nang bumili  sa inyo ng lote, makaraang mabayaran nila ang kanilang obligasyon at penalty ay nawalang parang bula ang pangarap nilang lupa.

Mukhang hindi po maganda ang sinapit nila kasi, ayon po sa mga dokumento at resibong (Paper Trail) ipinakita sa Misyon Aksyon ay malaki ang discrepancy. Kanila namang nabayaran ang multa na inyong ipinapataw at wala pang isang taon na kanilang bayaran ang kanilang down payment. Bakit inilit ang lupang binibili nila? Mukhang may “Magic” na nagaganap diyan.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwagan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply