SUMUKO KA NA GEN. PURISIMA

188640_Bn75x75

HOW can you face a problem when the problem is your face?

Mukhang ganito ang problema ng gobyerno ngayon sa patuloy na pagtindi ng kriminalidad sa ating harapan.

Ang paniwala pala ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, ang media lamang ang nagpapalaki ng mga balita tungkol sa mall robberies, money transfer robberies, pawnshop robberies, kaliwa’t kanang ambush ng riding in tandem at pag-atake ng hamog boys sa mga foreigner sa Ortigas.

Kailan pa nag-imbento ng  balita ang media, lalo na ng mga krimen?

Kung estado ay kayang magpalabas ng mga rosy picture sa mga economic fundamental kahit hindi nararamdaman sa ibaba ang kaunlaran, ang media ay walang kapasidad na mag-drawing ng talamak na krimen na nangyayari sa mismong tungkil ng ilong ni PNP Chief, General Alan Purisima.

Ang patuloy na denial stage ng Palasyo ng Malakanyang sa tunay na sitwasyon ng krimen sa Metro Manila, lalo na sa panahong umiiral ang gun ban, ay indikasyon na wala silang planong lutasin ang problema.

Acceptance o ang pagtanggap na may problema ang tunay na susi para masimulan ang mga plano at  pag-aksiyon, kung mayroon man, laban sa problema.

At puwede kayang tigilan na rin ni Ginoong Lacierda ang kanyang paliwanag na kailangan munang unawain at magtiis ang publiko dahil bago pa lang naman ang naitatalagang hepe ng pambansang pulisya si General Purisima?

Sabi nga, haler, bagong graduate ba si Purisima sa PNPA o sa PMA para sabihin ni Lacierda na wala pa itong alam sa pagresolba ng mga krimen?

Inugat na sa pagiging pulis ‘yan para hindi malaman kung ano ang dapat gawin kapag wala na siyang kapasidad na dakmain o patigilin ang mga kriminal.

Maluwag ang pintuan ng Kampo Crame para mag-impake na si General at mag-resign kung talagang suko na siya sa mga kriminal na mistulang mas magaling pa sa mga pulis.

Baka puwedeng si Edwin Lacierda na lang ang gawin nating Chief PNP para kahit walang alam sa pagsugpo ng krimen ay mas mauunawaan pa ng ating mga kababayan?

Ano sa tingin mo, General Purisima? Sumuko ka na, Mr. General, dahil napaliligiran ka na ng mga kriminal!

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply